1. Kumakain ka ba ng aratilis?
2. Nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipanmo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?
3. Pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?
4. Marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
5. Malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?
6. May mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
7. Na-uso yung lollipop na parang flute pati narin ang Nerds, Wax Lips, at Benson’s
8. Addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
9. Mayroon pang Tivoli at Coney Island ice cream (yung ice cream na nasa cone-shaped plastic cup at may libreng bubble gum sa ilalim?!)
10. Marunong ka mag wordstar, Lotus 1-2-3, Windows 3.1, at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?
11. Inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna… at inaabangan mo lagi beverly hills 90210, Melrose PLace at Baywatch?
12. Gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo o kaya michaels?
13. Meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
14. Nangongolekta ka ng stationeries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
15. Kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit? e si Ning-ning at Ging-ging?
16. Sumisipsip ka ng nectar ng santan.
17. Idol mo si McGyver.
18. Eto malupet… six digits lang ba ang phone number nyo dati?!
20. Cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?!
21. Inabutan mo ang Magnolia Chocolait na nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
22. Meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
23. Noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory at ang Sugarland?
24. Alam mo ang kantang “gloria labandera”.. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang “1, 2, 3, asawa ni marie”…?
25. Sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
26. Inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
27. Na-bola ka ng mga kaklase mo tungkol dun sa car freshener na nanganganak…yung Kisses?!
28. Sanay ka na at least twice a week, nagba-brownout.
29. Meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon…? aminin!!!
30. Laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka
31. Bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum, tira-tira
33. Takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?
WAG KA NA MAG DENY… TUMAWA KA NA LANG… 
This entry was gotten from sirenspeaks in http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?p=18737253&posted=1#post18737253